Ikaw ay nandito:  
 

tulong

mag-login / magrehistro
Login
GameDesire Manlalaro: GROSS

GameDesire - Maglaro ng mga libreng online na laro. Snooker, pool, chess, poker texas holdem, mahjong, backgammon, yatzy, word games at larong baraha. Ranggo, hagdanan at torneo...

Upang makapag-log in kailangan na i-unblock ng iyong browser ang mga cookies .
 
   

Panimula

Info ng bagong user

Advanced na info

Pag-troubleshoot

Iba-iba pa

News

Contact

 
Mga Torneo
Pool 8
Super Kasa $1/30+
Carnival $0/20+
Anatolia $2/25+
Champion $9/25+
Desperaci $3/25+
Poker Texas Holdem
 Stardust $0/6
 Slowfire VIP $0/10
 Stardust $0/6
 Stardust $0/6
 Slowfire VIP $0/10
Pinakamataas na medalya
folynkmyer25
*Aerosmith*21
*szumskimac*18
graczpracz18
!SzPaLuS!17
   
 Sa mga mahal naming manlalaro! 
Mga bagong laro
Ikinagagalak namin ang anyayahan kayo na maglaro ng mga bagong bersiyon ng aming Pool and Mga Larong Snooker . Sinikap naming pahusayin ang mga larong ito batay sa mga feedback mula sa mga manlalaro. Naglagay kami ng daan-daang pagbabago at pagpapahusay. Sa pagtatapos, naniniwala kami na lalong mapapasaya ng mga pagbabagong ito ang iyong paglalaro.

Sa artikulong ito iyong makikita ang lista ng aming mga pinakamahalagang pagbabago. Bilang karagdagan, makakakita ka ng ilang kapaki-pakinabang na comment sa kung paano magsimula ang laro at mga update sa ranking.



1. Game chips
nagawa na namin ang kakayahan na pumusta ng virtual na pera sa kalalabasan ng aming mga larong Pool at Snooker. Makakalaro ka na ngayon para manalo ng Game Chips! Ang mga taya ay umaabot ng mula 1,000 hanggang 1 Milyong Game Chips. Ang pagtaya ng virtual na pera ay isang alternatibo, bukas na uri ng ranking. Nakadadagdag ito sa saya ng pagtakda ng taya matapos ay lalaban para mapanalunan ang premyo… Kaya, kapag mas mahusay kang maglaro, mas mabilis kang yayaman! Inaanyayahan namin ang mga manlalaro na nagnanais ng ganitong karagdagang antas ng paghamon at peligro na subukan ang bagong kakayahan na ito.



2. Mga litrato sa laro
Ang site namin ay tungkol lahat sa mga manlalaro na nagpaparito para masayahan sa aming mga laro. Nais namin na maging magkaibigan ang aming mga manlalaro. Iyan’ang dahilan kaya nakikita mo na ang litrato ng iyong kalaban. Mailalagay mo na ngayon ang iyong litrato sa loob ng mga larong ito! Nagdadagdag ito ng personal na dama sa mga laro, dahil nakakakita ka na ng nakikitang wangis ng iyong kalaban. Naglagay din kami ng kakayahan na maglagay ng mood, maitatakda mo ang sa iyo o makikita mo ang mood ng iyong kalaban sa pag-click sa kanilang status. Pinahuhusay ng mga bago naming laro ang koneksiyon sa pagitan ng aming mga manlalaro.



3. Mga Bagong Graphis at Aksiyon sa Mesa


nakagawa kami ng mga bagong mesa, bagong physics, at pinahusay na logic. Habang ang lahat ng kakayahan para gumana ay magagamit ng bawat manlalaro sa aming site, ang pagpapasadya ng Graphics ay inaalok ng bukod-tangi sa aming mga VIP na miyembro. Bilang VIP makakapili ka ng paborito mong mesa, tela, bola at tako. Ang mga miymbrong VIP ay may pagpipiliang 4 na iba't-ibang mesa, 10 uri ng tela, at maraming uri ng kuwadrong kahoy para sa mga mesa. Mapapasadya din ng mga miyembrong VIP ang graphics ng mga bola at mga tako. Kung ang hitsura ng iyong mga mesa at paligid ng nilalaruan ay may halaga sa iyo, tiyakin na mag-signup para sa VIP na account ngayon! At magkakaroon ka na ng sarili mong pinasadyang bersiyon ng mga bagong laro namin na Pool at Snooker!



4. Mga Bagong Format ng Window
Sa mga classic naming laro, 2 sukat lamang ng mesa ang aming inaalok. Sa bago naming mga laro, may kakayahan ka nang itakda s anumang sukat ng window ang naisin mo! Maitatakda mo na ngayon ang window sa anumang sukat na magkakasya sa iyong screen. Mababago mo ang laki ng chat at mga font, para gawing mas malaki o mas maliit… Di na magkukurap ng mata para makita ang chat matapos ang ilang oras ng paglalaro… Ngayon mas matagal ka nang makakalaro nang hindi sumasakit ang mata! Mapapasadya mo ang hitsura ng iyong game window para masunod ang nais mo. Subukan ang aming mga bagong laro para makita kung gaano kaganda sa mata ang mga ito ngayon, at kung gaano karaming setting ang aming inaalok para sa ikasasaya ng iyong mata!



5. Awtomatikong mga Torneo
Inaanyayahan ka namin na ihambing ang iyong mga kakayahan sa ibang manlalaro para manalo ng mga papremyo, tulad ng VIP status o game chips. Naghahanda kami ng malalaking torneo para sa maraming manlalaro at maliliit na sit&go na torneo, gamit ang mga sistema ng torneo tulad ng swiss, knock-out at round-robin.



6. Skype
Hindi’ mo gustong magsulat sa lobby o sa game chat? Baka nais mong maka-usap ang iyong kalaban nang sarilinan? Madali na’ito ngayon! Itakda ang Skype na paganahin ang aming serbisyo at simulang makipag-usap sa iyong kalaban kung iyong nanaisin. Para simulan ang isang pagtawag, i-click lang ang icon ng Skype sa tabi ng manlalaro na nais mong maka-usap. Awtomatikong magsisimula ang tawag.



7. Mga Ranking
Naupo ka na ba sa lobby at nag-isip kung aling mesa ang iyong sasalihan? Nag-aalala ka ba sa maaaring epekto ng laro sa iyong rating? Ano ang mapapala ko kung akoy mananalo? Ano ang mangyayari kung ako ay matalo? Sa aming mga bagong laro’hindi mona kailangang mag-isip pa! Maaari mong i-click ang opsiyon na “Posibleng Kalabasan” sasabihin nito sa iyo ang mga kasagutan bago ka pa man sumali o magsimula ng laro. Malalaman mo ang saktong resulta bago pa man magsimula ang laro! Di ka na mag-iisip kung ang laro ay dapat pang laruin, matitingnan mo para makita agad!



8. Paghanap ng kalaban


Naranasan mo na bang nais mong maglaro pero wala kang makitang kalaban? Nag-anunsiyo ka sa chat, pero wala pa rin dumadating. Subukan ang aming bagong kakayahang QuickStart. Ang gagawin mo lang ay pindutin ang QuickStart sa iyong mesa at ang server na ang gagawa ng lahat. Hindi na kailangan pang magtanong sa lobby ng makakalaban, i-click lang ang QuickStart at awtomatikong hahanapa ang aming server ng makakalaban na nagnanais din na maglaro.



9. Mga kaibigan
Mayroon kang mga kaibigan na nakatakda sa aming Website? Maaari mo nang makilala ang iyong mga kaibigan habang nasa loob ng mga laro! Tingnan kung sino sa mga kaibigan mo ang nasa lobby o mesa, at mapag-alaman kapag pumasok o lumabas ang mga kaibigan. Kung ayaw mong’ maimbitang maglaro ng mga taong hindi mo kilala’t, maitatakda mo ang mga pag-imbita sa hanggang mga kaibigan lamang . Gumawa ng sariling samahan ng mga magkakaibigan sa aming site!



10. Chat


Nais mo bang makapag-chat sa maraming kaibigan nang sabay-sabay? At manatiling nasa tama ang iyong iniisip? Mayroon kaming bagong mga chat tab! Ginagawa nilang mas madali at mas mabilis ang pag-chat sa maraming tao. Magagawa mo na ngayong makipag-usap sa maraming tao, lagi mong mallaman kung may kumakausap sa iyo. Ayaw mo’ ng mga anunsiyo ng sistema na nahahalo sa mga mensahe ng mga manlalaro? Maggagawa mo na ngayong ihiwalay ng tab ang mga mensahe ng sistema!



11. Mga Emoticon
Ang Lahat ay Gusto ang Mga Emoticon. Masaya silang gamitin at handog ang kakayahan na ipakita ang ating mga mood at mensahe sa isang wikang pangdaigdig. Nakapagdagdag kami ng maraming bagong emoticon sa aming mga bagong bersiyon ng laro. At ngayon mababago mo na ang laki nila sa pamamagitan ng pag-hover ng mouse sa ibabaw nila, lumolobo sila ng MALAKI! Halika't tingnan ang lahat ng mga bagong pagpipiliang emoticon, i-hover ang mouse sa kanila at makita ang kagandahan nila!





Maglaro





Mga sagot sa ilang karaniwang katanungan
  1. Paano gumagana ang mga ranking sa bagong mga laro?

    Gumamit kami ng ELO-rating na may saklaw na 0 hanggang 10,000. Sa mga dating laro, nagkakaproblema kami kapag umabot ng 10,000 ang halaga ng mga manlalaro; Naabot na nila ang pinakamataas na antas, wala nang dahilan pa para magpatuloy sa paglalaro. Sa ratings, nagdagdag na kami ng decimal valu (hal. maaari ka magka-rating na 9312.94.) Sa ganitong paraan hindi ka palaging tatanggap ng 1 o higit pang puntos sa pagpanalo sa laro. Ngayon, kapag ang kalaban mo ay mas mahinang manlalaro, maaaring mas mababa sa isang puntos ang makukuha pag nanalo, hal. 0.12 puntos. Binago rin namin ang multa sa pagsuko. Kapag sumuko ang manlalaro mas malaki ng 3x ang mawawala sa kanya kaysa matalo na lang siya sa laro. Ang manlalaro na matitira sa mesa ay makakakuha ng 1/3 ng puntos na makukuha niya kung siya ang nanalo sa laro. Bilang pangwakas, naayos na namin ang mekanismo para sa pagkilala sa pandaraya. Sa bagong bersiyon ng mga laro mahihirapan ang mga mndaraya na baguhin ang kanilang ranking. Bilang pagbubuod, ang rating na 9000 o higit pa ang marka na ngayon ng isang tunay na maabilidad na manlalaro.

  2. Mga Grupo sa Rating

    Sinimulan namin ang mga grupo sa rating. Ito'y tumutukoy sa iba't-ibang sukat ng mga mesa. Ang mga rating sa magkaibang grupo ng rating ay hiwalay na binibilang. Ang pagkakaroon ng mataas na rating sa maliit (madali) mesa ay hindi’nangangahulugan ng mataas na rating sa malaki (at mahirap) na mesa. Ang mga may-ari ng mga room ng liga ay magkakaroon na ng kakayahan na itakda ang mga grupo sa rating ng kanilang mga room. Sa ganitong paraan, ang mga rating sa pribadong room ay magiging hiwalay sa mga rating ng’ mga manlalaro sa Pangpublikong room.

  3. Chat

    Para mamanduhan ang ilang pag-abuso sa chat naglagay kami ng ilang opsiyon sa proteksiyon:

    • Paghadlang sa bagong manlalaro: hal. Kailangan ng account ng 10 natapos na laro para makapag-chat,
    • Paghadlang sa bagong manlalaro na mag-chat: hal. Kailangan ng account na maghintay ng 72 oras para makapag-chat,
    • Paghadlang sa guest na mag-chat: Hini kailanman makaka-chat ang mga guest.

    Aming papaganahin at hindi papaganahin ang mga opsiyon na ito sa mga itinakdang lobby at mga larong batay sa kasalukuyang mga kondisyon na namatiyagaan sa mga log ng chat.

    Gumawa kami ng mga bagong proteksiyon laban sa mga phantom na mesang hindi nagagamit. Nakita namin na maraming manlalaro ang gumagawa ng maraming mesang walang laman na hindi nagagamit. Gawa na ang mga loby ay may mga hangganan sa bilang ng mesa, mapipigilan nito ang mga manlalaro sa paggawa ng mesa para maglaro. Ngayon ang mga mesang hindi ginagamit ay awtomatikong isasara.

    Ang mga bagong laro ay may mga sistema para sa auto-administration at sa pag-censor. Sa kaso ng mga salitang bastos at pag-spam, napipigilan ang chat nang mas mahusay ngayon kaysa dati. Kung naniniwala kang ang iyong chat ay hinadlangan nang di-makatwiran, gamitin ang Makipag-ugnayan Sa Amin at ipaalam sa amin, para aming mai-update ang sistema sa auto-administration. Ang layunin namin ay hadlangan ang mapanakit at nakakagulong chat, habang pinahihintulutan ang mga manlalarong disiplinado na patuloy na makakapagkonekta sa kanilang mga kaibigan.

  4. Mga Liga

    Ang mga may-ari ng room o liga ay magkakaroon ng kakayahan na itakda ang kumpigurasyon ng kanilang mga room, kabilang na ang mga opsiyon sa rating, mga kevel ng pagkapuno ng mga room, uri ng room, mga mensahe sa room, at iba pa. Mas mahusay na mapapangasiwaan ng mga may-ari ng liga kung aling manlalaro ang makakapasok sa kanilang mga room .

  5. Administrasyon

    Ganap na nagbago ang administrasyon ng room. Ang mga admin ay mananatili pa rin sa serbisyo, pero ang pangunahing makina na hahawak sa mga problema ay ang paggamit sa kakayahang Ipaalam ang Pag-abuso. Sa pamamagitan ng pagpindot sa icon sa aplikasyon, makakapagpadala ka ng impormasyon sa aming support team tungkol sa anumang kaso ng pag-abuso.

  6. Logic at physics ng laro

    Nagpatupad kami ng pagbabago sa mga logic ng mga laro. Partikular na ang mga apekto sa Snooker . Binago namin ang pamamaraan sa pagtukoy kung ang cue ball ng manlalaro ay nai-snooker, aming’ pinaghusay ang mga bagay tulad ng touching ball,, Foul&Miss at marami pa. Malaki ang hinusay ng physics ng laro. Ang pagpaikot sa bola ay mas madali na, ang mga dynamics ng mesa ay mas maganda na, at ang tela ay mas mabilis.

   
 
baguhin ang bersiyon ng wika: bg br bs cn cz de dk ee en es fa fi fr gr hu id il in
it jp ko lt lv ma nl no ph pl pt ro ru sa se sk th tr tw
ua vi
pahina ng poker
Tungkol sa amin   Contact   Mga Tadhana ng Serbisyo   Pakikitungo sa Paglalaro
Copyright © 2003-2008 Ganymede Lahat ng karapatan ay pinanghahawakan.
Official Partners: www.casesladder.com   www.eliters.com