Info ng bagong user

Ang aming patakaran laban sa pandaraya at di-kanais-nais na pakikitungo.

Upang makapagbigay ng ligtas at masayang palaruan nagbibigay ang GameDesire ng sumusunod na mga proteksiyon para maiwasan ang pandaraya at di-kanais-nais na pakikitungo:
  • Sinusubok ng automatic filer alisin ang lahat ng makikitang salitang bastos,
  • isang natatanging code awtomatikong nagmu-mute sa mga pagsigaw at pag-flood ng mga manlalaro,
  • Protektado ang aming mga plugin at masusundan namin ang mga mabigat na pagsubok na baguhin ang code ng mga plugin,
  • Ang ilan sa aming mga laro ay nagsasabi sa amin kung may manlalaro na may magkasabay na nilalaro,
  • Ang ilan sa aming mga laro ay nagsasabi sa mga manlalaro tungkol sa kanilang kalaban na lumilipat ng ibang programa habang naglalaro,
  • Sa kaso ng mga larong may rating minumultahan namin (sa pagbawas ng rating) ang mga manlalaro na hindi tinatapos ang kanilang laro,
  • Ang mga laro namin ay maaaring pamunuan ng mga admins, na tumutulong sa amin na mahanap ang mga taong nagbabalak mandaya. Maaaring i-mute ng mga admin ang ibang manlalaro at alisin sila sa room o mga mesa,
  • Sa mga multiplayer na laro, hindi namin pinahihintulutan ang paggamit ng dalawang magka-ibang nick sa iisang computer na magkasabay para maglaro,
  • Sa mga multiplayer na laro, ipinaaalam namin sa mga user kapag may dalawa o higit pang mga manlalaro ang nakakonekta gamit ang iisang local network sa iisang mesa,
  • Ang resulta ng mga nilaro sa aming site ay naka-log. Sa pamamagitan ng pagbabsa sa estadistika nasusuri namin ang mga ito at nahahanap ang mga nandadaya,
  • Nag-iingat kami ng mga log ng chat sa laro, upang aming masubaybayan at repasuhin kung kailangan.