Info ng bagong user
Ano ang mga ito "game chips"?
Ang Game Chips, tinatawag din na Chips, ay ang uri ng virtualna perang ginagamit namin dito sa GameDesire. Ang Game Chips ay maaaring mapanalunan at maitalo.
I-click DITO para sa dagdag kaalaman.Permanenteng link
- Kapag ikaw ay magbukas ng account sa GameDesire, ikaw ay tatanggap ng 1000 libreng Game Chips.
- Kung nais mong maglaro nang mataasan ang taya, makakabili ka ng karagdagang Game Chips mula sa amin hangga't nais ninyo.
I-click DITO para sa dagdag kaalaman.Permanenteng link
Ang aming patakaran laban sa pandaraya at di-kanais-nais na pakikitungo.
Upang makapagbigay ng ligtas at masayang palaruan nagbibigay ang GameDesire ng sumusunod na mga proteksiyon para maiwasan ang pandaraya at di-kanais-nais na pakikitungo:
- Sinusubok ng automatic filer alisin ang lahat ng makikitang salitang bastos,
- isang natatanging code awtomatikong nagmu-mute sa mga pagsigaw at pag-flood ng mga manlalaro,
- Protektado ang aming mga plugin at masusundan namin ang mga mabigat na pagsubok na baguhin ang code ng mga plugin,
- Ang ilan sa aming mga laro ay nagsasabi sa amin kung may manlalaro na may magkasabay na nilalaro,
- Ang ilan sa aming mga laro ay nagsasabi sa mga manlalaro tungkol sa kanilang kalaban na lumilipat ng ibang programa habang naglalaro,
- Sa kaso ng mga larong may rating minumultahan namin (sa pagbawas ng rating) ang mga manlalaro na hindi tinatapos ang kanilang laro,
- Ang mga laro namin ay maaaring pamunuan ng mga admins, na tumutulong sa amin na mahanap ang mga taong nagbabalak mandaya. Maaaring i-mute ng mga admin ang ibang manlalaro at alisin sila sa room o mga mesa,
- Sa mga multiplayer na laro, hindi namin pinahihintulutan ang paggamit ng dalawang magka-ibang nick sa iisang computer na magkasabay para maglaro,
- Sa mga multiplayer na laro, ipinaaalam namin sa mga user kapag may dalawa o higit pang mga manlalaro ang nakakonekta gamit ang iisang local network sa iisang mesa,
- Ang resulta ng mga nilaro sa aming site ay naka-log. Sa pamamagitan ng pagbabsa sa estadistika nasusuri namin ang mga ito at nahahanap ang mga nandadaya,
- Nag-iingat kami ng mga log ng chat sa laro, upang aming masubaybayan at repasuhin kung kailangan.
Sino ang mga admin?
Ang mga administrador (mga admin) ay mga manlalaro na kusang-loob na nagmamalasakit sa mga laro,
tumutulong sa mga manlalaro, at nagmamanman na ang mga patakaran ng serbisyo ay sinusunod ng mga manlalaro. Tandaan, kumikilos sila para sa iyo - makipagtulungan sa kanila, tratuhin sila ng may paggalang, tulungan at huwag abusuhin ang kanilang pasensiya.
Permanenteng link
Paano ako makakagawa ng sarili kong room?
Para gumawa ng iyong room pumasok sa tab na "Profile ko" - "Mga room ko" at
"I-click dito para gumawa ng sariling room mo". Matapos na gumawa ng hiling, maghintay
na matanggap ang room.Permanenteng link
Mailalagay ko ba ang inyong mga laro sa aking website?
Kung gagamitin mo ito para sa website na hindi pang-komersiyo - magagamit mo ang aming programa para sa webmaster.
Kung ikaw ay interisado sa mas komersiyal na pagtutulungan - makipag-ugnayan kay Wojtek Wylon ().Permanenteng link
Kung ikaw ay interisado sa mas komersiyal na pagtutulungan - makipag-ugnayan kay Wojtek Wylon ().Permanenteng link