Snooker - 2004

Ang pakay ay humakot ng pinakamaraming puntos na maaari sa pamamagitan ng paghulog ng mga bola sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang tako. Maglaro ng libre online!

Obtain achievements

  • Gamedesire - Richie Rich
  • Gamedesire - Baller
  • Gamedesire - Most Valuable Player

more achievements »

Paano simulan ang laro?

  • Pwedeng pindutin ang Maglaro Ngayon buton sa itaas o kaya tingnan sa ibaba ang seleksyon ng room kung saan mo gustong maglaro. Ang laro ay magbubukas sa bagong window.
  • Sa bagong window, tingnan ang listahan at piliin ang mesa na walang laman. Pindutin ang Sumali. O gumawa ng bagong mesa at pindutin ang Gumawa ng mesa buton na nakatapat ng control panel box.
  • Kapag nagawa na ang bagong mesa at mayroon ka nang katunggali na handang maglaro, pindutin ang Simulan at hintayin ang kumpirmasyon ng iyong katunggali.

Paano maglaro Snooker - 2004

  • Pindutin ang puting cue ball para masimulan ang pagbaril. Sa panahon ng pagpatama, pindutin at hilain ang cue at baguhin ang posisyon ng mesa.
  • Pindutin ang cue stick at, habang hinahawakan, hilain ito para maasinta ang puting cue ball.
  • Hanapin ang cue stick sa control panel box. Pindutin at hilain ito pababa para malaman ang kalakasan ng pagbaril. Kung malayo ang paghila ng control panel cue stick, mas lalong lalakas ang puwersa ng iyong pagbaril.
  • Pindutin sa kanan, sa kahit na saang bahagi ng game window. Ito ay magiging dahilan para tamaan ng cue stick ang cue ball.

60-segundo Patakaran sa QUICK START

60-segundong alituntunin ng QUICK START Snooker
Pag-aralan laruin ang Snooker sa loob ng 60 segundo

Ang snooker ay madaling pag-aralan. Libo-libong tao ang natutong maglaro ng snooker sa pamamagitan ng Gamedesire.com.

Ang punto ng snooker, ay parang pool, ito ay para sa dalawang manlalaro na kung saan pinapatamaan ang bola papunta sa bulsa gamit ang cue ball at ang cue stick.

Sa snooker, may 15 matitigas na pulang bola, 6 na bolang may kulay, at 1 puting cue ball sa mesa. Pagkatapos patamaan, ang cue ball ay dapat tumama muna sa pulang bola. Pagkatapos patamaan, kailangan ng manlalaro na maibulsa muna ang pulang bola, pagkatapos, kahit na anong kulay ng bola, pagkatapos kahit na anong pulang bola, pagkatapos kahit na anong kulay ng bola, at sunod pa, hanggang ang lahat ng bola ay maibulsa. Pagkatapos maibulsa ang pulang bola, mananatili ito sa bulsa. Pero pagkatapos maibulsa ang ibat-ibang kulay ng bola, ito ay automatikong matatanggal sa bulsa at ilalagay muli sa mesa. Pagkatapos maibulsa ang mga pulang bola, at ang lahat ng iba’t-ibang kulay ng bola ay hindi na kailanagang ibalik sa mesa at ito ay naibulsa na. Ang iba’t-ibang kulay na bola ay kailangan maibulsa na ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga kuwenta ng puntos nito. Pagkatapos maibulsa ang lahat ng may kulay na bola, ang laro ay tapos na.

Sa panahon ng buong laro, ang manlalaro ay nakaipon ng puntos sa pamamagitan ng pagbulsa ng bola. Ang manlalaro na nakaipon ng mas maraming puntos ang siyang panalo. Ang bawat bola ay may iba’t-ibang halaga. Pula-1, Dilaw- 2, Berde-3, Kulay-kape-4, Bughaw-5, Rosas-6, Itim-7.

Ito ang mga patikim na larong snooker:

  • Dapat patamaan ng manlalaro ang bola.
  • Naibulsa ng manlalaro ang pulang bola.
  • Naibulsa ng manlalaro ang bughaw na bola.
  • Ang bughaw na bola ay tatanggalin sa bulsa at ilalagay muli sa mesa.
  • Naibulsa ng manlalaro ang pulang bola.
  • Naibulsa ng manlalaro ang dilaw na bola.
  • Ang dilaw na bola ay tatanggalin sa bulsa at ilalagay muli sa mesa.
Ito ay magpapatuloy hanggang maibulsa ang lahat ng pulang bola.

Ngayon ang lahat ng pulang bola ay naibulsa na, ang iba’t-ibang kulay ng bola ay hindi na binabalik sa mesa. Ang iba’t-ibang kulay ng bola ay dapat maibulsa sa tamang pagkasunud-sunod, batay sa paitaas na halaga ng mga puntos.

Ang laro ay magpapatuloy tulad nito:

  • Naibulsa ng manlalaro ang dilaw na bola.
  • Naibulsa ng manlalaro ang berdeng bola.
  • Naibulsa ng manlalaro ang kulay-kapeng bola.
Ito ay magpapatuloy hanggang maibulsa ang lahat ng iba’t-ibang kulay ng bola. Ang laro ay tapos na.

maraming impormasyon: Mga patakaran ng Snooker - 2004 | link sa Wikipedia