Ikaw ay nandito:  
 

mga online games

 > 

poker

 > 

poker 5 card draw

 > 

tulong

mag-login / magrehistro
Login
GameDesire Manlalaro: GROSS

GameDesire - Maglaro ng mga libreng online na laro. Snooker, pool, chess, poker texas holdem, mahjong, backgammon, yatzy, word games at larong baraha. Ranggo, hagdanan at torneo...

Upang makapag-log in kailangan na i-unblock ng iyong browser ang mga cookies .
 
   

Mga pampublikong rooms

Mga Liga

Ranggo sa torneo

Kumuha ng libreng mga game chip

Mga Torneo ng

 
Hanapin si
 
Mga Torneo
Poker Texas Holdem
 Stardust $0/6
 Slowfire VIP $0/10
 Stardust $0/6
 Stardust $0/6
 Slowfire VIP $0/10
Poker 5 Card Draw
 Arena $6/6
Pinakamataas na medalya
1adrian126
Zbychu344
patrykkos1093
qimk2
pawelll3062
   
Mga basic ng PokerInterface ng User5 Card Draw
 
Pakay sa laro
Ang poker ay isa sa pinakasikat na larong baraha, na maraming klase, pero ang mga basic nito ay laging pareho. Ang mga manlalaro, depende sa taas ng mga barahang natanggap, ay naglalagay ng taya sa pot o di kaya ay titiklop (fold). Ang pakay sa poker ay mapanalunan ang game chips na nasa pot. Magagawa ito sa dalawang paraan:
  • sa pagbuo ng pinakamagandang kombinasyon ng mga baraha (tinatawag na hand),
  • sa pagsuko ng lahat ng kalaban, kadalasan sa pagbuo ng akala na ikaw ang may pinakamagandang hand. Kilala bilang pambobola (bluffing).
Dealer
Kapag nakaupo sa may mesa, ang unang gagawin ay pipili ng Dealer. Ang mga manlalaro ay binibigyan ng isang baraha at ang pinakamataas na baraha ang tutukoy sa kung sino ang unang Dealer. Ang taong ito ay mamarkahan ng natatanging “D” na emblem. Oras na matapos ang hand, ang Dealer na emblem at pananagutan dito ay lilipat pakanan paikot ng mesa sa susunod na manlalaro. Sa online na poker, lahat ng pagbibigay ng baraha ay awtomatikong ginagawa ng software.

Blind / Ante
Bago mamahagi ng baraha, kumukuha ng pwersahang taya mula sa mga manlalaro. Ang Buy-in (pagsali) na ito ay maaaring tawagin na ante (panimulang taya). Ang buy-in/Ante ay ang kabuuan ng lahat ng chip na kinuha mula sa lahat ng manlalaro na nakaupo sa may mesa o mga blind - maliit at malaki (double blind) na kinuha mula sa dalawang sunod na manlalaro pagtapos ng dealer. Kung ang mesa ay para sa 2 manlalaro, walang Maliit/Malaking blind, ang halaga ng pagsali ay dalawang beses lang ng ante.

Posisyon


Ang manlalaro na sa pakanan ng manlalaro na naglagay ng Big blind ang magsisimula sa pagtaya. Siya ang maagang posisyon, minsan tinatawag na "under the gun", dahil siya ang unang kikilos. Ang Dealer at ibang manlalaro na nasa huling posisyon ay may malaking kalamangan sa ibang manlalaro. kapag dumating na sa kanila, mas maraming impormasyon ang naiipon nila tungkol sa kasalukuyang hand (tulad ng bilang ng manlalaro na naa laro pa o kung paanong tumataya ang mga manlalarong lumalaban pa .

Pagtaya
Depende sa klase ng laro, maaaring umabot ng hanggang 4 na round ng pagtataya. Habang nasa bahaging pagtataya, pinalalaki ng mga manlalaro ang pot (ang pinagsama-samang chips na itinaya ng lahat ng manlalaro) para mapanaluhan. May tatlong malalaking pagkilos na maaaring gawin:
  • tumiklop - bibitaw ang manlalaro sa kaniyang hand at pakakawalan ang anumang pag-asa na mapanalunan ang pot;
  • call - para tapatan ang naunang taya;
  • raise - para taasan ang laki ng ipinupusta, na pipilit sa lahat ng susunod na manlalaro na i-call ang bagong taya kung nais nilang manatili sa laro
Tiklop
Ang pagtiklop ay ang pagbitiw sa kasalukuyang hand. Anumang pera ang inilagay sa pot ay mawawala na. Ang manlalaro ay sumuko at naghihintay ng sunod na hand.

Check
Kung walang pagtaya sa kasalukuyang round the pagtataya, maaaring mag-check nang libre ang isang manlalaro. Nangangahulugan ito ng hindi paglagay ng panibagong chips sa pot. Patuloy ang laro, at nasa laro pa rin ang manlalaro.

Call
Nangangahulugan ng paglagay ng chips nakatumbas ng huling itinaya para manatili sa laro. Patuloy ang manlalaro, hanggang may mag-raise ulit.

Taya / Raise
Ang pag-raise ay pagtaas ng halagang itinataya. Ang maximum na raise ay depende sa mga hanggangn na itinakdang mayroon ang bawat mesa. Pinupwersa ng pag-raise ang lahat ng manlalarong nananatili sa hand na mag-call sa bagong halaga o tumiklop. Kapag ang manlalaro ang unang mag-raise sa kasalukuyang roundng pagtataya, tinatawag itong Bet (taya).

Mga Hangganan ng Pagtaya
Ang halaga na maaaring Itaya / I-raise ng mga manlalaro ay itinatakda ng Hangganan sa Pagtaya ng mesa. May tatlong opsiyon:
  • Nakatakdang Limit -ang blind ay ang batayan ng taya para sa pag-raise. Kaya, halimbawa kung itakda natin ang blind sa $10, sa loob ng una at ikalawang round ng pagtataya tataas ang taya at hangganan na papantay sa $20, at sa loob ng ikatlo at ika-apat na round ng pagtataya - $40.
  • Hangganan ng Pot - ang minimum na pag-raise ay ang halaga ng pag-raise ng manlalarong unang nag-raise, at ang minimum na laki ng raise ay pantay sa kasalukuyang laki ng pot. Para sa unang manlalaro na tataya sa isang round ng pagtataya, ang minimum na raise ay ang halaga ng blind. Halimbawa sinimulang ni manlalaro A ang laro ng 10$. Ang susunod na manlalaro ay maaaring mag-raise sa $30, dahil kanyang ikino-call ang $10 na taya matapos ay idinadagdag ang halaga na nasa pot na.
  • Walang Hangganan - ang minimum na Taya/Raise ay ang halaga ng Blind at walang hangganan itinakda sa maximum na taya. Ito ay nangangahulugan na ang manlalaro ay maaaring Mag-All-In (itaya ang lahat ng kanilang game chips) sa anumang oras. Walang hangganan sa bilang ng palitan ng pag-raise sa isang tayaan
Sa unang dalawang round ng pagtataya ang minimum na Bet/Raise ay ang double blind, sa ikatlo at ikaapat na round ay apat na beses ng blind . Ang bilang ng palitan ng pagtataya sa isang round ng pagtataya ay may hangganan na apat.
 
 
baguhin ang bersiyon ng wika: bg br bs cn cz de dk ee en es fa fi fr gr hu id il in
it jp ko lt lv ma nl no ph pl pt ro ru sa se sk th tr tw
ua vi
pahina ng poker
Tungkol sa amin   Contact   Mga Tadhana ng Serbisyo   Pakikitungo sa Paglalaro
Copyright © 2003-2008 Ganymede Lahat ng karapatan ay pinanghahawakan.
Official Partners: www.casesladder.com   www.eliters.com