GameDesire - Maglaro ng mga libreng online na laro. Snooker, pool, chess, poker texas holdem, mahjong, backgammon, yatzy, word games at larong baraha. Ranggo, hagdanan at torneo...
Upang makapag-log in kailangan na i-unblock ng iyong browser ang mga cookies .
Ang Texas Hold'em ay ang pinakasikat at pinakamabilis na klase ng poker, na may simple at malinaw na patakaran. Ito ay napaka-komplikadong laro, bagamat ito ay madaling matutunan makaraan ang ilang hand karamihan ng mga manlalaro ay ganap na nasisiyahan dito. Ang Texas Hold'em ay kilala bilang "Cadillac ng Poker" at ito ang gamit sa walang - hangganang uri ng pagtataya para sa pinakamataas na tropeo ng poker - Ang World Series of Poker.
Pakay sa laro
Ang pakay sa Texas Hold'em poker ay makagawa ng pinakamagandang hand gamit ang limang baraha, gamit ang dalawang hole (butal) na baraha na ibinigay sa mga manlalaro at limang community cards na inilapag sa mesa. Sa pagitan ng pag-deal ng baraha may apat na round ng pagtaya, na nangangahulugan, na may pagkakataon na mambola at ang mga manlalaro ay maaari rin manalo sa pamamagitan ng pagloko sa ibang manlalaro na maniwala sa siya ang may pinakamagandang hand.
Mga Blind
Sa simula pinipili ang Dealer, markado ng espesyal na emblem, ang emblem ng dealer at ang pananagutan ay lumilipat ng pakanan papunta sa susunod na manlalaro matapos ang bawat hand. Ang dalawang manlalaro na pakanan lagpas ng Dealer ay sapilitang kailangan na magbayad ng blind (taya) sa pot (premyo). Ang blind ay para mapasimulan ang pagkilos at mapalaki ang pot.
Ang unang manlalaro sa kaliwa ng Dealer ang magbabayad ng Small Blind at ang ikalawang manlalaro ang magbibigay ng Big (o doble) blind. Ang laki ng mga blind din ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mapapanalunan sa mesa Halimbawa, sa mesa na may $1/$2 na taya, ang small blind ay $1 at ang big blind ay $2. Matapos na ilagay ang blind, dalawang hole (pocket) na baraha ang ibibigay sa mga manlalaro at ang unang round ng pagtataya ay magsisimula.
Pre-Flop
Ang manlalaro sa kaliwa ng Big Blind ay maaaring: tumiklop, i-call (tapatan) ang big blind o tumaya ng mas malaki, depende sa hangganan ng pagtataya ng mesa. Kinakailangan ang parehong pagpasiya mula sa ibang manlalarong nakaupo sa mesa. Ang huling manlalarong kikilos ay ang manlalarong naglagay ng Big Blind.
Flop
Tatlong, community cards ang ilalapag sa mesa Bawat manlalaro ay gagamit dito para mabuo ang kaniyan hand na limang baraha. Ang unang manlalaro na kikilos ssa round na ito ay ang manlalaro na naglagay ng Small Blind Maliban sa nabanggit na mga pagtaya, mayroon ding pagkakatao ang mga manlalaro na mag-check, na nangangahulugan ng zero call, kung saan walang manlalaro ang naglagay ng taya.
Turn at River
Ang ikaapat na barahang ilalagay sa mesa ay ang tinatawag na turn card. Matapos na ilapag ang turn card ang sunod na round ng pagtataya ay magsisimula. Sa puntong ito, ang mga blind ay dinoble, kaya ang minimum na taya ay apat na beses ang laki ng big blind. Ang huli at ikalimang community card, tinatawag na river card, ay inilalapag at ang panibagong round ng pagtataya ang susunod.
Showdown
Lahat ng manlalarong natitira sa laro ay ipapakita ang kanilangmga baraha. Ang pinakamagandang 5 card hand, binuo ng dalawa sa apat na hole card at limang community card ay pipiliin. Kung dalawang manlalaro ang may parehong hand, hahatiin ang pot sa kanilang dalawa.