60-segundong alituntunin ngQUICK START Snooker
Pag-aralan laruin ang snooker sa loob ng 60 segundo
Ang snooker ay madaling pag-aralan. Libo-libong tao ang natutong maglaro ng snooker sa pamamagitan ng Gamedesire.com.
Ang punto ng snooker, ay parang pool, ito ay para sa dalawang manlalaro na kung saan pinapatamaan ang bola papunta sa bulsa gamit ang cue ball at ang cue stick.
Sa snooker, may 15 na matitigas na pulang bola, 6 na bolang may kulay, at 1 puting cue ball sa mesa. Pagkatapos patamaan ang cue ball ay dapat tumama muna sa pulang bola. Pagkatapos patamaan, kailangan ng manlalaro na maibulsa muna ang pulang bola, pagkatapos, kahit na anong kulay ng bola, pagkatapos kahit na anong pulang bola, pagkatapos kahit na anong kulay ng bola, and at saka pa, hanggang ang lahat ng bola ay maibulsa. Pagkatapos maibulsa ang pulang bola, mananatili ito sa bulsa. Pero pagkatapos maibulsa ang iba’t-ibang kulay ng bola, ito ay automatikong matatanggal sa bulsa at ilalagay uli sa mesa. Pagkatapos maibulsa ang mga pulang bola, at ang lahat ng iba’t-ibang kulay ng bola ay hindi na kailanangang ibalik sa mesa at ito ay naibulsa na. Ang iba’t-ibang kulay na bola ay kailangan maibulsa na ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga kuwenta ng puntos nito. Pagkatapos maibulsa ang lahat ng may kulay na bola, ang laro ay tapos na.
Sa panahon ng buong laro, ang manlalaro ay nakaipon ng puntos sa pamamagitan ng pagbulsa ng bola. Ang manlalaro na nakaipon ng mas maraming puntos ang siyang panalo. Ang bawat bola ay may iba’t-ibang halaga. Pula-1, Dilaw- 2, Berde-3, Kulay-kape-4, Bughaw-5, Rosas-6, Itim-7.
Ito ang mga patikim na larong snooker:
- Dapat patamaan ng manlalaro ang bola.
- Naibulsa ng manlalaro ang pulang bola.
- Naibulsa ng manlalaro ang bughaw na bola.
- Ang bughaw na bola ay tatanggalin sa bulsa at ilalagay uli sa mesa.
- Naibulsa ng manlalaro ang pulang bola.
- Naibulsa ng manlalaro ang dilaw na bola.
- Ang dilaw na bola ay tatanggalin sa bulsa at ilalagay uli sa mesa.
Ito ay magpapatuloy hanggang maibulsa ang lahat ng pulang bola.
Ngayon ang lahat ng pulang bola ay naibulsa na, ang ibat-ibang kulay ng bola ay hindi na binabalik sa mesa. Ang ibat-ibang kulay ng bula ay dapat maibulsa na ng tamang pagkasunodsunod, batay sa paitaas na halaga ng mga puntos.
Ang laro ay magpapatuloy tulad nito:
- Naibulsa ng manlalaro ang dilaw na bola.
- Naibulsa ng manlalaro ang berdeng bola.
- Naibulsa ng manlalaro ang kulay-kapeng bola.
Ito ay magpapatuloy hanggang maibulsa ang lahat ng iba’t-ibang kulay ng bola. Ang laro ay tapos na.